2nd AVM (Anime Viewing Meet)

by Pepecat, Moonrye, Neng, Newliner, and AriZz19

Note:

The following are copies of the messages that where posted at ANIMEDIA100's Message Board concerning the 2nd AVM.

Hello!!
by Pepecat
(02/22/01 10:58:51 pm)


its nice to be back....
so FINALIZED na ang plano ha!

VENUE:
Neneng Garutay's humble abode....
MEETING PLACE:
sa main gate ng SM MANILA
MEETING TIME:
9:00 upto 9:30 a.m. only
kailangang maaga dahil 5 bundok pa ang lalakarin natin.... and neng, pag wala ka ng 9:30, iiwan ka namin and mauuna na kami sa bahay nyo!!

***
u were asking kung anong kakanen namen senyo....well... since ako ay pusang kirat(singkit)....i like to have "stir fried rodents" for lunch....gusto ko half cook.....make it furless but all "insides" still intact....k??

dagdagan mo narin ng side dish na pellets...gusto ko "whiskas ha"?? para sosi!!!

shet! nagugutom tuloy ako...

si michelle, este pinokya...gusto nyan e, "baked wood (kahoy) chips"...sprinkled with kusot and glazed with solignum....para patay la'at ng anay...

in other words....gusto ko ng TOCINO !!!!!!with kamatis!!!hiyeheeeeeyyyyy!!!!!

***
sigurado kang gusto mo kaming ilibre sa pamasahe??
sige!! isasama ko lahat ng kasamahan ko sa trabaho...dahil gusto rin nilang makanood ng anime at malibre pa sa chibog at pamasahe!!!hyok!hyok!hyok!!

to all
pasensya na talaga kayo at mejo naging pranka ako doon sa other page.... kung alam nyo lang kung gano kasarap mag-organize ng avm, e u'll understand.....

to all attendees
magdala kayo ng payong coz, i'll make it rain on saturday.... and pano nyo kami makikilala??
ako...
magsusuot ako ng red collarless shirt.... kung maraming naka red.... ung akin e, gutay2 na.... kung maraming gutay2 ang damit.... maghanap kayo ng taong mukhang siopao.... ako yon....

mukha narin akong anime dahil sa hair ko....wavy, tikwasen, and alang direksyon.....kahawig ko rin si jacky chan....(ano bayan!!tao ba ko??)

si michelle
mukhang lasing palagi... matulis ang ilong dahil sya raw si "hitomi" pero pinokya pala....(yari sa kahoy)

pinokya!!!
TONGRATS! natuloy narin ang pangarap mong magkaroon ng 2nd AVM....!!! and gawa ko na ang vcd mo!!!

flamegod
wat is ur plan? susunduin ka? saan? r u serious ba?? magpakatotoo ka brother!


* * * * *

Tuloy na Tuloy Tayo!!
by Moonrye -girl in gaea (a.k.a. Michelle)
(02/23/01 9:45:50 am)

Hello sa lahat!!!

Neng
TY sayo pati pamasahe libre mo pa kami! sana pati pauwi! hehehehehhehe!

Ako kahit ano ok lang sa akin! pwede ba tayong manood habang kumakain para di maaksaya sa oras!

kami na bahala ni pepecat sa chichiria mag gro grocery na lang kami! Ay!!! sarado pa pala ang SM di bale sa 7'11 na lang!

Ayessa
ang gulo mo naman! di bale mamaya mag uusap tayo ok!

To All
Yung time at Place eh ayun sa taas! Sama kayo! minsan lang to mangyayari (baka di na ulit!) na mag kakasama sama tayong lahat! kaya hwag nyo nang palagpasin!

Nabigay na ni pepecat ang description nya! well ako siguro ang susuotin ko eh darkbrown at kargo pants! bukas malalaman nyo rin kung bakit laging lasing ako! hehehehehhehe! pero di ako kumakain ng kahoy at anay noh! (lagot ka sa akin bukas pepecat!)

pepecat
dalhin mo lahat ng pinapadala ko sayo! di bale i re remind ko na lang sayo mamaya!

Di pa natin masabi kase di pa tapos!

TY na lang sa mahaba mong pasensya sa akin! (pati ate mo nakaaway ko!) joke!

x'cess

mamaya babalik ako ulit para ma check to ok!


* * * * *

Bukas Na!!
by Moonrye -girl in gaea (a.k.a. Michelle)
(02/23/01 6:05:31 pm)


To All

Bukas! 9:00 - 9:30 lang ang intayan! SM Manila Main Entrance (yung pag pasok mo eh Jollibee ang makikita mo!) kina Neng tayo manonood ng animé!

Panonoorin!
Escaflowne D Movie : Girl in Gaia!
tapos pili na lang kayo kung ano ang gusto nyo!
Wala na bang hahabol dyan ah! kayo rin! iintayin nyo na naman ang susunod (?)

Yun lang!
so kita kitz na lang tayo bukas ha!
sana di umulan kase tuwing mag vi viewing meet eh umuulan!


* * * * *

Anime Viewing Meet II Report
by Neng
(02/25/01 12:38:54 pm)

hi guys! mukhang nauna akong magbigay ng report dito a! alam ko kasi e, wala nang prepaid si tet at yung magiting na dalawa ay matatgalan pa ng post.....

o eto na...
1. Vision of Escaflowne the Movie - rating: 3
COMMENT: Well, dahil sa cheap naming TV e, masyadong malinaw yung palabas, di ko na makita yung mga mukha nila... tsaka wierd.. iba yung kwento sa series... pero maganda na rin, kasi maganda yung pagkakagawa kay Hitomi at Van.... nakakapagod ding magbasa ng traslation sa baba.. ang liit kasi ng letter.... buti na lang at trinatranslate ni pepecat yung sinasabi habang nanonood kami,...pwede ka nang mag-apply bilang isang dubber sa GMA!!!

2. Blue .... ano nga palang title non? - rating: 4
COMMENT: Eto maganda to, suspense, para talgang pelikula.... maganda ang pagkakagawa, kaya lang.. sinira ni pepecat ang mura naming isipan... sabi mo exposure lang ha!? wow! binilaan pa kami ni hentai.. pero tapos na yung palabas....TY! buti na lang anime lang yon, kung totoong tao yon e, tigok tayong lahat dito.....

3. Mononoke - rating 4
COMMENT: Maganda siya, kaya lang subtitled rin kay medyo di ko na-enjoy panoorin... di pa namin mabasa yung translation sa baba.... Oy! Pepecat kung may mahahanapan kang engligh dub nito, benta mo sakin... agandahan kasi ako... o kaya ikaw na ang mag-dub para samin...

Pasensya na ulit dahil sa TV namin, ang cheap...enjoy talaga.... hehehe! espesyal ko yo samin e...may-picture taking pa!

Tet>> naku, pakita mo muna samin yung picture bago ipakita sa iba.... nakakakiya kasi, todo nakapambahay pa ako, at parang binuhusan pa ako ng mantika sa mukha, sobrang oily....

ang takaw nga ni michelle e, ubos na yung baked kahoy chips nya e, pati yung lamesa namin, kinakain na! pinipigilan na namin.. ayaw paring pa-awat!

Michelle>>> nakalimutan mo yung tira mong baked kahoy chips dito! pano yan? walang kakain non dito...

ano pa bang masasabi ko? Hmmmm.. eto lang muna... Sana next Anime Viewing Meet... e mas maraming makasama.. kayo namang mga taga-north ang mag-organize para makasama naman tayong lahat....

Hentai>>> pwede ko nabang kunin yung CD ko sayo sa March 3?, text mo naman kung okay na para maayos na... gusto ko nang makuha e...

Paalam
Nengshin ^_^x


* * * * *

Breaking D Record!!
by Moonrye -girl in gaea (a.k.a. Michelle)
(02/26/01 8:14:50 am)

Hello!

Neng
maraming thanks talaga sayo! grabe super at home kami sa inyo! nakakahiyang bumalik kase super ang bait ng parents mo! at super alaga pa kami sa bogchi! kaya mga alaga namin sa tyan eh di nag reklamo! hehehehehe!

OO nga eh! sayang ang sarap kase ng baked macaroni mo eh! kaya nga yun ang nilantakan namin ni pepecat! itanong mo naman sa mama mo kung paano gumawa nun para naman pag nakapunta kayo sa amin eh yun ang papakain ko sa inyo (charing!!!) hehehehehhe!

Tol! wa ka bang napansin kay pepecat! ang takaw nya sa daga noh! at mataba sya ngayon siguro ang daming daga sa kanya kaya nanaba sya ngayon!

may 2 kang identity ha! sa bahay nyo tahimik ka! sa labas hehehehehe!

Tet
oi! pag napa develop mo na eh! hwag mong ipag kalat ah maganda pa rin yung misterious ang mga look natin! hehehehehe!

ikaw naman! kailangan sa susunod eh! mag salita ka naman! ang tahimik mo kasi kung di ka kakausapin di ka mag sasalita siguro nahihiya kapa sa amin noh! masasanay ka rin samin!

Pasensya kana sa amin 3 ha! kase nag kita kita na kami kaya may bonding na! hehehehehehehehhe!

Ayessa
Ano! buti na kapag concentrate ka! nasa isip mo ang AVM! muwahahahahaha! malas mo kase super dami naming nagawa! kaya ble!

i we wento ko sayo sa tue!

Pepecat
ikaw ginulat mo kami sabi mo xposure lang! yun pala may .....! (Di ko pwedeng sabihin kase sensored!) nagulat kaming 3! nagtawanan tuloy kahit di naman nakakatawa! ikaw talaga! parang sinadya mo ha! ngayun ko lang nakita sa animè yun kaya ikaw ang gumusing sa amin!

Oi yung esca! medyo malabo talaga! at saka yung tinatanong mo eh! bili ka ng Escaflowne OST naandoon yung kanta ni Sòra Sòra rin ang title track no. 10 sya kaya bili kana!

To All
3 animè ang napanood namin!

Escaflowne 3 lang (2 CD's) kase..... panoorin nyo nang malaman nyo baka mainis kayo!

Perfect Blue 4 lang! (2 CD's)maganda sya! lalo na yung corio nina mima!

suspense at may adult content sya!

ang cute ni mima!

Princess Mononoke (2 CD's)4.5! manoorin nyo na lang kase marami akong sasabihin di kasya rito!

kaya Breaking D record! 3 animè compare last time na 1 animè!


* * * * *

Pepecat Online Now.... act1
by Pepecat
(02/26/01 8:31:44 am)


sorry ngayon lang ang akyeng report...
so...
naganap na ang pangalawang AVM....
let's start from the BEGINNING..."THE MEET".. me and pinokya met at our destined meeting place...
nakarating kame sa sm manila....
nang biglang.......

may lumapit na alien......from the dark world.....
sabi nya...." aminyi-aminyi-aminyi.....ah....este....kayu pu ba sina pipiket? at si penukya????"(akala ko tuloy si porky the pig ng warner brothers)

sabi ni pinokya...." sino ko??"...(siguro naalala ni newcomer alien...."mmmm....mukhang lasing tong taong to.....BAKA SI PEPECAT!!")...."ikaw ba'y si pepecat??"

sabi ni pinokya...."ano?!!!! hindi mo ba nakikita ang matangos kong ilong???? ako si hito-mi...!!!!"

(natawa na lang ako habang pinanonood ko sila...)
ang pangalan pala ng alien ay " TET-suo" sya pala yung best bud ni KANEDA (extract from "AKIRA")

then....as time went on....tex ng tex si neneng garutay....
by 9:30 in the a.m.....
sinita kami ng isang poging sekyu....lintek na yan!!!
wag daw kaming mangharrass ng mga taong pumapasok sa mall....
biglang may narinig kaming malakas na dagungdong....tapos may mga taong naghiyawan.....then may narinig din kaming lumagutok na ewan ko kung ano yun....
we noticed at the far side ng sm....." si neneng garutay yun a!!!..."
............nadapa pala sya.
(naku! bakit ba nalagay koto dito...baka magalit sya sken...)

so we went on....

to be continued


* * * * *

act2
by Pepecat
(02/26/01 9:71:33 am)

"the cave that never was...?"
"we are really blessed today" i thought to myself...kasi for the first time, hindi umulan sa araw ng avm...moreover, galante ang host.... biruin mo, ilibre ba naman kami ng fare, sagutin ba naman lahat ng luho namin....(hanep talaga c neng!) parang ayoko na tuloy umulit sa kanila....
sumakay kami papunta sa buendia..... grabe!!! eto palang si TET-suo e....mas malala kay pinokya sa kadaldalan...!! ang kulit2 nya pala sa personal!! (nakakatakot!) HELLO GLENDA!!! (isang batang ketket)

anyways...
we got to the bus terminal and waited....nagpekchure taking kasama ang isa nanamang poging sekyu....(akala kasi nanghaharass nanaman kami!). it took us quite a while to get there....almost an hour....
by 11 am, we reached neneng's cave...then...."salang na!!"(niluto namin ang fresh na fresh na daga na nahuli ng mga alagad ni neneng garutay....(isa pala syang "prinsesa ng mga jamante"!)

hindi na namin ginawa ang program dahil sa sobrang excitement ni pinokya....sabi nya "nood na tayo!!!"

inassembol ko na ang baon kong player.... una naming pinanood ang vision of escaflowne.... grabe...tutok na tutok si pinokya...kaso tinotopak ang tv nila neng kaya lalong naging bright ang araw namin....

rating: (1-5, 5 is the highest)siguro 4 kc mejo bitin...pero maganda sya!! lalu na ung last parts...pati sound track....GANDA!!!!

after waching kaen na kami ng specialty ng bahay....
then, nood ulit....

to be continued


* * * * *

act3
by Pepecat
(02/26/01 9:40:56 am)


" HIGHLIGHTS"

ang second anime movie na pinanood namin ay PERFECT BLUE. i know na may adult scene ito and i did warn them about it...pero i really didn't tell them na ganon nga ang makikita nila....-unfortunately they got shocked....

hindi naman kasi bastos ang pinakitang mga "scenes" eh...
actually balansyado nga ang lahat ....siguro di nyo ko maintindihan kasi mga bata pa talaga kayo!, noh michelle?! (pero hindi pako matanda ha!!)

rating: 5!!! this is one of my favorites kasi!!!balanced lahat...hindi ito hentai!!!this is a psycho-thriller

ang 3rd anime movie ay PRINCESS MONONOKE
mejo may violence ang movie na ito....pero maganda talaga ang animation, pulido talaga.... and as i've read sa mga anime reviews sa internet.... MAS MAGANDA ANG SUBTITLED VERSION ng mononoke hime KAYSA SA DUBBED...kasi sa sobrang pagkakaedit, may mga aspects or mood ng movie ang nabago....

rating: 5 maganda ang message ng animeng ito.....talagang bilib ako sa mga gawa ni HAYAO MIYAZAKI!!!! this is about nature.

after watching too much tv...parepareho na kaming dumodoble ang paningin...lakas talaga ng amats nyan....shet!

nagpekchure taking kami ulet....magpopost sana kami ng mga ala-bioman or shaider e...kaso tinamaan ng hiya ang mga kasama ko....

so bale, umuwi na kami...grabe ang traffic jan sa EDSA. dahil jan sa tinamaan ng lintek na seremonyang yan about EDSA II....

so that concludes my report....

next time, kayo naman ang magplano....kami naman nila michelle ang mag-aadjust...ok??

pepecat signing off now!!


* * * * *

The Real Version
by Newliner
(02/27/01 8:31:50 am)

aaaaaaahhh!!! animedia people! wag kayong maniwala sa mga yan! alam kase nila na wa akong pang-net kaya kung anu-ano ang pinag-po-post dito! sa totoo lang eto ang nagyare...

hmmm pano ko ba uumpisahan? ang gulo kase eh... grabe para akong nalipat sa ibang dimensyon...

noong nakaraang sabado, bago mag-alas nuebe ng umaga, habang ako ay palakad-lakad sa bakuran ng sm manila, may napansin akong dalawang babae (nde bakla ata sila) na kahina-hinala ang mga kilos... nilapitan ko sila kasama ang batang ketket na si glenda at kinausap...

ang sabi ko, "mawalang galang lang ho, pwede ho bang magtanong?" ala ey! sinagot ba naman ako ng "nyaaaaaw" at "oh van". nabahala ako, bilang isang konsernd sitisen, binantayan ko sila baka kung ano pang kababalaghan ang gawin nila... nde nagtagal, may patambling-tambling na batang dumating... huli na nang malaman ko na takas pala sa mental ang mga namit ko...

nabalitaan nina dr hentai at dr arrizz ang nangyaring pagtakas kaya hayun! tawag nang tawag, kinukumusta ang lagay nila... ipasusundo raw nila ang mga takas sa ambulansya pero baka matagalan kaya alagaan ko raw muna... at ang pinaka mabisang gamot na pampakalma ay ang panonood ng anime...

nagtungo kame sa masyon nina neng (libre pamasahe... tsarap) alagang-alaga kame don

(tsandale... medyo mahaba na... add ko muna


* * * * *

Let The Medication Begin!!!
by Newliner
(02/27/01 9:42:39 am)


i-indyek ang esacaflowne!!! naku! lumala yata ang saket ng mga pasyente... si michelle pil na pil na sya si hitomi... gusto pang pa-pektsur... duet daw sila ni hitomi... sya taga kwento ng kung anong nangyayari sa pelikula "nya"... subtitled kase tsaka naerapan akong magbasa...

si pepecat naman kanta nang kanta... tapos trina-transleyt pa sa tagalog ung lines... may balak pa yatang mag-aplay na dubber.

si neng sinumpong sa saket nyang split personality... nagchange ng image... biglang tumahemek

oopps... pause muna... chibugan na!!! wow! overflowing sa pagkain!... noon lang ako nakakita ng ganon karaming pagkain sa tanang buhay ko! nde ko na nilabas ung kamera... para di ako makunan ng pektsur habang lumalamon...

tuloy ang gamutan... mukhang nde tumalab ung una eh... kailangan siguro ng konting ehem

subukan naten tong perfect blue... "may pogi ba jan?" narinig ko. "oo, meron" sabi naman nung isa... tapos... tapos... AY! anu ba un??? pepecat!!!! ikaw talaga! ur exploiting our inocent minds!!!

alam nyo ba kung bakit 5 ang rating ni pepecat jan? kase po krash na krash nya si me-mania!!! wag idenay... patay na patay ka nga dun eh...

matapos ang dalawang anime, mukhang wala paring improvement ang kalagayan ng mga pasyente... lalu pa yatang lumala! may pasayaw-sayaw pa ngayon si pepecat! naloloka na rin ata ako!

nex drug please...

etong susunod ewan ko lang kung nde umumbra... princess mono... mono... ano? mono ewan...

wow! ganda ng soundtrack...


* * * * *

Lost and Not Yet Found
by Newliner
(02/27/01 9:56:37 am)


nakatatlong anime na kame nde pa ren dumadateng ung ambulansyang susundo sa mga pasyente kaya napagpasyahan ko na idaan na lang sa mandaluyong... iniwan ko na sa munti si neng... tagaloob kasi sya...

sumakay kameng tatlo sa bus... nakaidlip lang ako sandale eh ala na si michelle! tapos sa sobrang trapik sa EDSA, naglakad na lang kame ni pepecat... ayaw pa nga nyang bumaba eh... hinila-hila ko lang... nung naglalakad na kame... patay!!! tinakbuhan ko! buti na lang nakunan ko sila ng pektsur...

panawagan!
nanawagan po ako sa mga taong nakakita sa tatlong itlog na nasa larawan... mangyari lamang pong ipagbigay alam sa kinauukulan...
eklat lang to mga tsong... kala nyo ha hehehe">

madali lang po silang makikilala... kung si michelle ay parang lasing kung maglakad si neng naman eh, parang penguin. si pepecat naman eh pagnakakita ng pusa, hinahabol ny


* * * * *

Wala akong Ma-gets!
by Ayessa
(02/26/01 8:59:23 pm)


di ko ma-g....(gets)nao-op ako. kaya puwede bah...wag pag-usapan iyan?
JOKE!

tawag ka sa akin ate mitch?cno-cno uli kayo? may lalake ba?
anyways, walang rurouni kenshin na oav?

ciao


* * * * *

Sige Pa Sige Pa!
by AriZz19
(02/28/01 10:54:07 am)


Yahooo!!! na ka connect na ko Yes!
Wow! di ko malaman kung cno ang kwentong barbero sa inyo,pero isa lang ang masasabi ko kala ko BOY si PePeCat GIRL pala siya Nyek!nyek!nyek! mali ako kasi naman pareho sila ng boses ni MycHelle (Ganyan talaga ang mga boses ng mga line of 20 parepareho).

Tumawag ako sa cell ni Neng biglang me sumagot ang DADA di na ako nakapag salita,tinanong ko kung sino siya si mychellepalayonkaya di na ako nagtaka tapos nakausap ko si NENG wow! ang hinhin ng boses niya para cyang bagong gising(cute ng boses mo neng) pero masarap kausap c mychelle.

Tapos tawag ulit ako me sumagot sabi ko hello mychelle pero di pala c mychelle yon c PePeCaT pala yon nyak!nyak!nyak! kala ko talaga boy c pepecat hehehe! pero isa lang ang gusto kung sabihin wag nyong tataluhin si pepecat sagot ko yan!(joke) ibig kong sabihin pag inasar nyo yan para nyo na ring inasar ang sarile nyo dahil pinaka matindi sa lahat yan na nakilala kong babae na ubod ng lakas sa asaran.Yun lang!

cge Shinghaifonglai! Dichapir!

• back to top

Copyright 2002 animedia100.com All rights reserved.